HUMAMBALOS sina Louise Paliwag at Matthew Morris ng tigalawang panalo sa magkakaibang diskarte upang mag-Most Valuable Player sa natapos nitong Biyernes na Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala National Age-Group Tennis Circuit sa Lacta Tennis Courts sa Negros Occidental.
Binalikwasan ni top-seeded Paliwag si Queen Villa 1-4, 4-1, 10-6 sa semis saka tinagpas si Mitch Cruspero sa finals 6-0, 6-0 upang masikwat ang korona ng girls 14-under sa Group 2 tournament na prisintado ng Dunlop.
Isinunod niya pagkaraan si Jasmine Jaran 7-5, 6-1 upang kabigin ang 16-U diadem.
Nagpakita ring may ibubuga ang kapwa taga-Valencia, Negros Oriental bet na si Morris sa pagsilat kay top-seed Andrian Rodriguez tormentor Amik Serillo 7-6 (5), 6-4 upang maiuwi ang boys 12-U trophy.